standard post format icon

Crush at First Sight

Simula kanina ng makita ka
Agad kong nadama na crush na kita,
Gusto kong ikaw ay nakikita
Lalo na kapag nagsasalita ka.

Hindi ko man kilala ang iyong katauhan
Ni ang pangalan mo’y hindi ko pa nalalaman,
Subalit ang paghanga ay di na mapigilan
Ito ba ay matatawag mong kamalian?

Sana nga sa susunod ikaw pa rin ang kasama
Nang ako naman ay maging masaya,
Hindi na mahalaga kahit di mo na malaman pa
Basta huwag kang lalayo, tinitingnan kita.

Sa tingin ko ay may asawa ka na
Ang edad mo kasi ay late twenties na,
Kung wala man akong karapatang hangaaan ka
Wala akong magagawa, basta crush kita!

© amorfrancis.com

Written on October 24, 1992 by Amor

Rate Crush at First Sight Poem

1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 4.67 out of 5)
Loading...

Comments are closed.