© Gleizel Marcos
Written on February 7, 2004
Mahal kita kahit sino ka pa
Mahal kita kahit ano ka pa
Mahal kita kahit ano pa ang pinaggagagawa mo
Mahal kita kahit ayaw nila sa iyo.
Mahal kita dahil iba ka
Sa lahat ng minahal ko ikaw ang natatangi
Mahal kita dahil iba ang turing mo sa akin
Mahal kita dahil gusto kita.
Mahal kita pero ayaw nila sa iyo
Bakit ayaw nila sa iyo?
Bakit hindi nila maintindihan ang nararamdaman ko?
Mahal kita iyan ang totoo.
Mahal kita kahit ano pa ang sabihin nila
Mahal kita kahit hindi mo ako mahal
Ang pagmamahal ko sa iyo ang tangi kong maibibigay
Mahal kita kahit mamatay pa ako.