standard post format icon

Crush ng Bayan

Noon pa mang unang makita ka
Ay nadama kong crush na kita,
Kaya nga ito’y masasabi ko na
Crush sa unang pagkikita.

Marami akong nababalitaan
Na ikaw raw ay crush ng bayan,
At mayroon pa akong naulinigan
Na niloloko mo mga kababaihan.

Naiinis ako, inaamin ko ‘yan
Hindi ko alam aking paniniwalaan,
Malay ko ba kung ‘yon ay kasinungalingan
Naiinggit marahil sila kaya ika’y sinisiraan.

Subalit aking napatunayan
Na niloloko mo mga kababaihan,
Ang iba’y iyong nililigawan
Dahil sa tukso ng mga kaibigan.

Kung minsan naiinis ako sa yo
Dahil sa ika’y sobrang babaero,
Nagmamalaki ka siguro
Dahil alam mong ikaw ay guwapo.

Naiinis na rin ako sa sarili ko
Ano ba ang nasa sa ‘yo?
Bakit ba marami ang nagkaka crush sa yo?
At isa na nga ako.

Salamat at dumating din ang sandali
Na ikaw ay di ko na crush uli,
Mabuti na lang, ayoko nang magkamali
Sa crush na aking napili.

Ngayon ay di na kita crush
Di tulad noon, makita ka lang ako na ay nagba blush,
At kahit na makita pa kita ngayon
Ay wala na ang paghangang tulad noon.

© amorfrancis.com

Written on September 4, 1990 by Amor

Rate Crush ng Bayan Poem

1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 1.00 out of 5)
Loading...

Comments are closed.