standard post format icon

Sean’s Prayers and Endless Questions

Just before Sean go to sleep I always tell him to pray first. But his prayer tonight was quite funny.

Sean: Dear God, thank you po for all your blessings. God bigyan mo po ako ng maraming toys. Bigyan mo po ako ng Transformers. Yung hindi po nasisira. (He’s referring to the transformer toy I bought from Jollibee after school. Madali kasing natatangal yung ibang parts) Dalawa po ang give mo sa akin ha, kasi give ko yung isa kay Ate Dea (his cousin)

After a while he said, “Mommy gusto mo pahiramin kita ng transformers ko? Pero ingatan mo para di masira ha? Pero di na masisira yun kasi strong na yung ibibigay ni God, yung kay Jollibe kasi hindi.”

Then he started asking endless questions

Sean: Mommy bakit si God nasa heaven?

Me: Eh kasi doon sya nakatira.

Sean: Pero bakit nga sya nasa heaven?

Me: Eh kasi sya gumawa ng heaven at ng earth pati mga sun, stars at moon.

Sean: Pero bakit doon sya sa heaven?

Me: Kasi binabantayan nya tayong mga tao kaya alam nya kung gumagawa ka ng good o bad.

Sean: Pero bakit nga nandun sya sa heaven?

Me: Exasperated. Eh kasi nga gusto nya doon.

I just realize now that maybe Sean wants to say bakit nasa heaven sya, bakit wala sya dito, bakit di natin sya nakikita? When he asks questions such as that, I don’t know what to answer. Ano nga ba dapat kong isagot?

Sean: Eh bakit po si Santa Claus hindi pumunta dito noong pasko?

Me: Eh kasi noong nagkita kayo sa Robinsons natakot ka sa kanya, gusto ka nya i-carry pero umiyak ka. Binibigyan ka ng candy ayaw mong abutin 😀

amor-sean

parehong makulit

It reminds me tuloy of Sean’s other question few weeks ago:

Sean: Mommy sinong magiging asawa ko?

Me: Huwaatt? At bakit mo tinanong? Bakit mo naisip yun? Mag aasawa ka na ba? 4 years old ka pa lang, tinatanong mo na yan?

Sean: Si mommy naman eh, tinatanong ko lang, di pa ako mag-aasawa!

Me: Sean malapit mo ng maabot si Mommy, tall ka na eh. Siguro kapag 10 years old ka na kasing height mo na si Mommy.

Sean: Mommy kapag 100 years old na ba ako, tallest na ako?

Me: Nge…!

19 thoughts on “Sean’s Prayers and Endless Questions

  1. ahaha! ang kulit talaga ng mga bata. for us, these are sometimes nonsense questions that piss us off, pero sa kanila, these are great moments of exploration and toiling for knowledge.

    therefore: parents should take this moment as a great opportunity to teach our children. amen. ehehehe

    • Korek Elmot. It’s always a parent’s responsibility naman talaga to teach their children, after all they are called their first teacher diba? :

  2. Hi Amor! I’m fine pero as usual busy….halo halo na. Barangay, Office, preparation ng 80th bday ng Mom-n-law ko and playing pet society, restaurant city at ngayon kinacareer ko naman ang farmtown na parang drogang nakaka addict kaya minsan la na ako time mag blog although di pwedeng pabayaan kasi may paid posts, hahahaha.
    BTW, kakatuwa naman si Sean sobrang smart ang talino!

    • Hehe, thanks Ate Kap. Kina career nyo pala ang farmtown, mukha ngang masaya at addicted yan, ako naman sa WordPress themes na aadik ngayon haha.

  3. Ano ba ire! Kapag ang bata talaga nagtatanong, nakakaloko minsan. Siguro kapag inuulit-ulit niya yung tanong eh, di siya kuntento sa sagot. Ako, di ko rin alam ang sagot sa tanong na niyan.

    At ginawa ka pang manghuhula ngayon, hahaaa! Sino nga ba kaya?

    • Korak ginawa nya akong manghuhula. Akala nya ba alam ko? haha. Kaya nga sabi ko sa kanya, walang nakaka-alam kung sino magiging asawa nya, ako nga rin di ko alam na kami ng daddy nya magkakatuluyan eh, haha.

    • Hi Rose, thanks for visiting. Oo nga normal sa bata yung ganyan. Kaya nga okay lang sa akin na makulit sya. Mas mahirap naman kung hindi sya nagsasalita or gumagalaw diba? 😀

  4. haha! sean is very much like my son greggy! ang daming tanong! minsan hindi ko na kayang i-explain ang mga sagot sa tanong nya! one time he asked me (while watching our wedding video), bakit daw wala sya sa wedding namin ng daddy nya. bakit daw si lolo lang, lola, tita, tito, etc. san daw ba sya nagpunta nun. nakakunot pa ang noo nya na parang nagtatampo na hindi ko maintindihan. haha. nagkatinginan kami ng daddy nya. sabi ko na lang, “kasi, anak. nung wedding namin ni daddy. nasa heaven ka pa. kasama mo si papa jesus at kalaro ang mga angels. kaya di ka naka-attend sa wedding namin!”

    Sabi nya lang, “Ahh…” but he didn’t sound convinced. he just continued watching the video. LOL.

    • Ganun nga rin si Sean haha. Naalala ko rin tuloy yung sinabi nya, bakit nga daw wala sya sa kasal namin. Siguro daw nasa tummy pa sya, sabi ko wala pa sya sa tummy nun. He’s insisting na nasa tummy daw sya hindi pa lang daw sya lumalabas haha. Sabi ko hindi ka pa ibinibigay sa amin noon ni God kaya wala ka pa.

  5. Sean: Mommy bakit si God nasa heaven?
    Me: Eh kasi doon sya nakatira.

    Sana sinagot mo: “Kasi marami ng tao sa Earth.” 😆

    Pero seriously, I love reading stories like this. Thanks for sharing.

    • Marami kaming conversations na ganyan kaya lang ang lola mo may amnesia most of the time kaya kung ano lang maalala ko haha. Kaya nga naisipan ko i-post kaagad or else mapupunta na naman yan sa kalimot. 🙂

  6. What a coincidence, may kakilala rin akong Amor ang name ng mommy at Sean ang name ni baby (actually Sean Mateusz)… makulit rin ang Sean nami dito, his 7 years old na…. ^_^ … natatawa ako sa anak mo.. makulit rin…

    • hi Ruby, thanks for the visit. Talaga, what a coincidence nga parehas kaming 4 ng name hehe. Yung pinsan din ni hubby may friend na couple amor at francis din, kulang na lang siguro Sean 😀

  7. hi mommy amor,

    medjo busy lang kaya di masyado maka online…katuwa naman si Sean. nakakatuwa ang coversation nyo na to..i’m sure marami pang ganitong moments..

    para din siyang si seandy, ang kulit ng mga tanong…