standard post format icon

Sean’s Prayers and Endless Questions

Just before Sean go to sleep I always tell him to pray first. But his prayer tonight was quite funny.

Sean: Dear God, thank you po for all your blessings. God bigyan mo po ako ng maraming toys. Bigyan mo po ako ng Transformers. Yung hindi po nasisira. (He’s referring to the transformer toy I bought from Jollibee after school. Madali kasing natatangal yung ibang parts) Dalawa po ang give mo sa akin ha, kasi give ko yung isa kay Ate Dea (his cousin)

After a while he said, “Mommy gusto mo pahiramin kita ng transformers ko? Pero ingatan mo para di masira ha? Pero di na masisira yun kasi strong na yung ibibigay ni God, yung kay Jollibe kasi hindi.”

Then he started asking endless questions

Sean: Mommy bakit si God nasa heaven?

Me: Eh kasi doon sya nakatira.

Sean: Pero bakit nga sya nasa heaven?

Me: Eh kasi sya gumawa ng heaven at ng earth pati mga sun, stars at moon.

Sean: Pero bakit doon sya sa heaven?

Me: Kasi binabantayan nya tayong mga tao kaya alam nya kung gumagawa ka ng good o bad.

Sean: Pero bakit nga nandun sya sa heaven?

Me: Exasperated. Eh kasi nga gusto nya doon.

I just realize now that maybe Sean wants to say bakit nasa heaven sya, bakit wala sya dito, bakit di natin sya nakikita? When he asks questions such as that, I don’t know what to answer. Ano nga ba dapat kong isagot?

Sean: Eh bakit po si Santa Claus hindi pumunta dito noong pasko?

Me: Eh kasi noong nagkita kayo sa Robinsons natakot ka sa kanya, gusto ka nya i-carry pero umiyak ka. Binibigyan ka ng candy ayaw mong abutin 😀

amor-sean

parehong makulit

It reminds me tuloy of Sean’s other question few weeks ago:

Sean: Mommy sinong magiging asawa ko?

Me: Huwaatt? At bakit mo tinanong? Bakit mo naisip yun? Mag aasawa ka na ba? 4 years old ka pa lang, tinatanong mo na yan?

Sean: Si mommy naman eh, tinatanong ko lang, di pa ako mag-aasawa!

Me: Sean malapit mo ng maabot si Mommy, tall ka na eh. Siguro kapag 10 years old ka na kasing height mo na si Mommy.

Sean: Mommy kapag 100 years old na ba ako, tallest na ako?

Me: Nge…!

19 thoughts on “Sean’s Prayers and Endless Questions