standard post format icon

Ayoko na Sana

Well, maraming bagay na ayoko na sanang gawin.

  • Ayoko na sanang mag-post muna sa amorfrancis.com dahil naiinis na ako, laging bitin ang pag transfer ko.
  • Ayoko na sanang pag-usapan pa ang mga aberya sa aking paglipat bahay dahil puro reklamo na lang halos ang naipo-post ko about my current host. Ilang beses na akong nag update ng database dahil akala ko makakalipat na ako this week, kaso hindi.
  • Ayoko na sanang pag-usapan pa ang Philhosting pero heto ako binabanggit ko na naman sila, haha, ah basta ayoko na, maghihintay na lang akong mapalitan nila ang nameservers ng aking domain, ang tanong kailan kaya. Ang pagkaka intindi ko sa babaeng nakausap ko eh para pala silang robot na naghihintay ng sasabihin ng kanilang amo bago sila kumilos. De remote kung baga. Takutin ko na lang kaya, I’ll see you in court? 😀
  • Ayoko na sanang kumain ng marami pero bakit malakas pa rin akong kumain, harhar!
  • Ayoko na sanang magpuyat, pero nagpupuyat pa rin ako, buti sana kung papayat ako, kaso hindi.
  • Ayoko na sanang sabihin na malapit na ang birthday ko at officially mawawala na ako sa kalendaryo, pero sinabi ko na rin para greet nyo ako hehehe.

Kayo ano yung mga ayaw nyo na sanang gawin pero ginagawa nyo pa rin?

P.S. Salamat sa mga bumisita kahit madalas down ang website na ito. Makalalagpas din ako dito at sana naman malapit na.

21 thoughts on “Ayoko na Sana