standard post format icon

Bisita

Umalis kami kanina ni Sean para bumili ng Wilkins sa kabilang kanto. Noong papauwi na kami, sa halip na dumiretso sa bahay, doon sya tumuloy sa bahay ng mga pinsan nya. After barely 2 minutes pumasok na sya sa amin at tinanong ako. “Mommy, sino yung kasama ni Ate na naka-black?” Sagot ko, “Hindi ko po alam, baka may bisita syang friend nya.”

Lumabas ulit kami ng bahay at pagbalik namin nakita ko ang ate nya na walang kasama. Tumuloy ulit si Sean sa kanila, pero bumalik din sa amin kaagad. I asked him kung nandun pa yung bisita ng ate nya, sabi nya wala na daw. Nagtataka ako kung talaga bang may bisita kanina ang pinsan nya, so, pumunta ako sa kabilang bahay para magtanong.

I told his ate na tinanong ako ni Sean kung sino daw ang kasama nya na naka black. She said mag-isa lang sya, wala daw syang kasama simula pa kanina. Kinilabutan na ako ‘dun ‘no! Kung wala syang kasama, sino yung nakita ni Sean?

I wonder kung produkto lang ng imahinasyon ni Sean yung nakita nya, o baka naman talagang may nakita sya? Ayun, natakot ang ate nya na mag stay sa house nila, lumabas sya para puntahan ang mama nya at ang isa nya pang kapatid na nasa mga pinsan nila nung oras na yun.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino ang nakita ni Sean. Sabi nya girl daw na naka black. I doubt naman na gagawa sya ng kwento eh wala naman syang idea sa multo.

Kayo, may naging bisita na ba kayo? 🙂

9 thoughts on “Bisita

  1. Amor, baka may nunal sa mata si Sean kaya nakikita niya ang mga di natin nakikita. May pinsan ako na nakakita ng mga ganun, pero yung mga nakikita niya ay white naman at hindi black. Nakakapangingilabot naman ito. 🙁

    Marlene’s last blog post…
    Speak To My Answering Machines!

  2. naku sis, di marunong magsinungaling mga bata. baka sensitive si sean sa mga ganung bagay. It happens all the time. Kalimitan mga bata pinagpapakitaan. There is no reason para magimagine si sean o mag hallucinate kasi mas prone pa ang matatanda tulad natin sa ganun because of stress, problems etc. Pero ang mga bata wala pa sila masyado stress.

    bluepanjeet’s last blog post…
    Frank’s Waterworld

  3. @Glenn, advance ba para sa Halloween? 😀
    @Nilo, sige ba, share mo sa akin ang kwentong yan kapag nkapag ym ako. May 3rd eye ka ba?
    @Marlene at Kap Marie, wla naman siguro syang 3rd eye, wala rin akong napansin na nunal sa mata. Pero dun talaga sa house ng pinsan nya, lagi yata talagang may nagpaparamdam dun. Yung isa nyang pinsan ang alam kong may 3rd eye.
    @Bluep, okay lang, higpit kasi ni Akismet ‘no? Pero nakita ko na sya sa spam filter. Tinanggal ko na nga rin yung Spam Protection Math Challenge ko, kasi kahit ako nagfailed eh! 🙂
    @Meg, thanks for dropping by, welcome to my site. 🙂
    @Shanker, hehehe… do you really know those sentences you wrote? Anyway, salamat po! 😀

    Amor’s last blog post…
    Bisita