standard post format icon

Globe – Making Things Impossible

After having no Globe signal for 4 days, I was advised by the Globe CSR to go to Globe Business Center (GBC) for sim upgrade. Since GBC in SM Manila is the nearest in our place I decided to go there. But to my dismay, there was no available sim for upgrade. 🙁

Sabi nung naka-usap ko wala silang available na kahit anong sim for upgrade at hindi nya alam kung kailan sila magkakaroon. I asked if she knows other GBC na may available na sim. Using her laptop, tiningnan nya sa mga malapit na places like Binondo at Robinson’s Place Manila, wala daw.

“How about sa ibang place, kahit malayo?”

Wala daw silang access para malaman, yun lang daw sa malapit ang pwede nilang i-access.

“Eh kailan kayo magkakaroon ng sim?“

Tumawag na lang daw ako ulit sa CS para mag inquire kung meron na. Ganun?!!! So everyday ako tatawag?

She also said, usually hindi na na-a-upgrade ang sim kapag wala ng signal.

“Eh bakit sabi sa report ng technical team nyo pumunta ako dito para sa sim upgrade dahil wala nga akong signal. Sana sinabi na lang nila na wala na itong pag-asa in that way, hindi na nga ako aasa, at hindi na ako magsasayang ng oras na pumunta dito. Gusto ko lang naman kasi ma-retain yung number. I’ve been using this for more than 7 years na.“

“Eh kasi luma na yung sim nyo, dapat ina-upgrade talaga.“

“Oo nga in-upgrade ko na nga to, 3 years ago dito rin sa inyo.“

“Ah yun ba, last naming upgrade yun, tapos ngayon na lang ulit kasi as much as possible yung mga lumang sim ipi-phase out na.“

Eh paano naman makakapag upgrade kung lagi naman palang walang available na sim sa inyo? Gusto siguro nila laging bibili ng bagong sim para madagdagan bilang ng subscriber nila!

Nakakainis pa, wala man lang syang sinabi na sorry for the inconvenience, na pumunta kayo dito pero wala kaming available na sim. Pero pag tumawag ka sa CS nila, makakarinig ka naman ng more than 5x na sorry po for the inconvenience, pasensya na po, blah blah! Mas gugustuhin ko na yung nagso-sorry sila kesa wala, pampalubag loob kahit papaano.

Nainis na talaga ako, I left GBC with a heavy heart. I was kinda depressed kaya pumunta na lang ako sa KFC at kumain ng Fully loaded meal. 😀 Lumamon!

It’s time to ditch this sim card na nga siguro. Never mind if I don’t retain my number na lang. I decided to buy a new sim na, this time Smart naman. Para naman matawag ko sarili ko na I’m Smart haha! Oh diba?

Anyway, noong naka uwi na ako sa bahay, naisipan kong tumawag ulit sa CS ng Globe. Mabuti pa yung naka-usap ko, she’s so apologetic. Ikinuwento ko lahat sa kanya about what transpired in their Globe Business Center in SM Manila. I told her na I’m still clueless bakit ako nawalan ng signal. Alam ko nawawalan ng signal kapag 2 months na walang load, pero I just loaded my sim few days before it happened. So hindi yun pwedeng maging rason. Still hoping, I asked her if she could give me other GBC location na pwede kong puntahan, I said okay lang na malayo basta sure ako na may available na sim, huwag lang ba sa Basilan branch nyo eh! 😀

She put me on hold for a moment, then came back to tell me meron daw available sa Alabang Town Center. I thanked her kasi she was able to assist me and answer all my queries, compared sa mga previous CSR na nakausap ko, kasama na yung nasa SM Manila na hindi nasagot mga tanong ko, hmp!

Malayo yung Alabang Town Center and I haven’t been there, pero willing akong puntahan. Syempre ni-gugel ko yung phone number ng GBC doon para tawagan ko muna bago ako pumunta, baka matulad na naman sa nangyari sa SM Manila, maiinis na naman ako!

Last stop ko na ang Alabang Town Center, kapag wala talaga, it’s time to move on. Alam ko wala naman kayong paki-alam if you lose one loyal subscriber no!

Eto nakita ko sa website ng Globe.

OUR VISION

Globe is indispensable to people’s lives –
We provide our customers with superior experience.
We are a center of excellence for innovation worldwide.
We create a rewarding environment where people strive for excellence and grow.
We attract people who are innovative, passionate and results-oriented.
We create superior value for our shareholders.
We make great things possible.

OUR CORE VALUES

Customer First
Our customers are our greatest passion. We are personally responsible for satisfying and even exceeding their expectations.

Kapag di naayos to, para sa akin, Globe – Making Great small things Impossible!

14 thoughts on “Globe – Making Things Impossible

    • nakakainis talaga. kaya nga last stop ko na yung sa Alabang Town Center, kapag talagang wala ng magagawa, eh di goodbye Globe forever na ang lola mo. 🙂

  1. kainis yung ganun…hmmp!!! pareho tayo pag upset sa pagkain tinutuon ang galit..hehehe..(buti naman at na-access ko rin ang site mo, did not know how to contact you kaya nagmessage na lang me sa mybloglog…la kasi signal CP mo eh..hehehe)

    melody´s last blog post..A Cute Blogger Award

    • Hahaha, natawa naman ako sa comment mo sis, wala kasi akong signal eh! OO nga, nag error na naman database ng server ko. Kapag di nagawa yung sim ko, I’m moving to Smart na for good. And about this site naman, I’m moving to a new server before the year ends. Kainis na kasi laging down.

  2. Nakakatawa na nakakainis naman itong post mo, Amor. Hehee, ganyan ka pala magalit, lumalamon, lol!

    Pero pwede bang i-phase out ang sim? Kaloka naman nito, ibig sabihin di mo maintain for a lifetime yung number mo. Inis pa naman din ako kapag nagpapalit ng number, pinapagalitan ko nga mga kapatid ko kapag paiba-iba ng number. 🙂

    Marlene´s last blog post..The Gothenburg Cathedral

    • Actually normal na sa akin yun, halata naman diba, yun nga lang mas doble pa siguro kinakain kapag naiinis hehe.

      Ayoko rin kasi ng paiba-iba ng number. Tska I have to text all in my contacts pa to inform them that I changed number na, hassle yun no? Buti kung meron yung phone ko ng feature na send to all contacts, eh wala.

      Amor´s last blog post..Globe – Making Things Impossible

  3. I had worse. Remember my post about the “5 companies that I will annihilate if I were Zeus? haha kasama ata yang Globe sa titirahin ko eh.

    Pero dito sa amin may sim upgrade. actually upgarded ata ito sim ko eh. Dito nga sa probinsya meron, dyan pa sa manila. Engot lang yang nakausap mo.

    I think NTC should really control the use of the sim card. Dapat yang sim na yan eh registered. lahat ng sim pag bibili dapat registered para di maabuso ang paggamit at pagbili ng sim. Kaya maraming holdapan, nakawan at kung ano anong scam sa cell its because the sim cards are not registered and controlled by the ntc.

    if only my dog could text, baka bumili na rin yun ng sim LOL

    bluep´s last blog post..Stranger than fiction

    • Yung pinuntahan ko meron silang sim upgrade ang wala eh yung sim mismo. Ano ba yun, walang kwenta no? Nakakainis talaga. Eh kasi daw dapat pina-pa upgrade, eh pano nga i-a-update kung lagi naman sila mismo ang walang available na sim. Ba’t yung kay hubby, 7 years na rin ang sim, never pa nag sim upgrade pero working pa rin naman hanggang ngayon. Sana nga kung naging si Zeus ka ‘no, para ma-annihilate mo yang mga yan! Haha

  4. wala naman talagang kwenta ang mga customer service na mga yan. ang layo ng pino-promote nila sa tv…

    nagpunta ako sa customer service dito sa sm clark for a certain concern, and they gave me a number to call. dun ko daw sabihin ang problema ko.

    mantakin mo yun?! andun ka na nga, ire-refer ka pa sa telephone number? bakit pa sila tinawagn na service center wala talaga silang kwenta!

    Roy´s last blog post..Laundry Business Seminar in December 2008

    • Roy, thanks for your comment. Naku talagang nakakainis sila, wala ngang kwenta. Nag email ako two days ago sa custhelp email nila, nobela pa naman yun, aba wala man lang feedback, deadma sa earth! Nung dumaan ako sa SM Manila kahapon, wala pa rin silang available na sim, kainis talaga. Dapat pupunta ako sa Alabang Town Center as stated in my post pero hinihintay ko pa yung sagot ng CS nila sa email. 🙁 🙁 🙁

    • Talagang naku, walang kwenta! Buti pa kapag may kakilala sa kanila, agad nilang inaasikaso. Yung nasa GBC nga nila, napaka apathetic, parang walang paki-alam na mag-hahanap ka, or susuyurin mo buong Maynila para makapag hanap ng sim. Kung hindi ko lang talaga gustong iretain ang number eh pababayaan ko na lang. kaso nabuhayan ako ng loob ng may nabasa akong forum post na related yung case sa akin, although 2007 pa nangyari. Swerte lang yung nag post kasi may kakilala sya sa globe kaya ‘naasikaso’ sya, nag-email pa sa kanya ang Globe personnel para sabihin saang GBC may available na sim. Ayun, napalitan sim nya with same number. Ako, waiting pa rin, na may makilalang nagwo-work sa Globe. 🙁