standard post format icon

Blogroll Clean Up

How do you clean up your blogroll?  I want to clean up my blogroll, but I have so many questions. I want to turf out those blogs whose owners never visited me na after they asked for exchange links.

Should I visit them and tell them I am removing them in my blogroll, and that they can remove mine in their list na rin? Hmp, bakit pa, eh hindi nga sila bumibisita dito ‘no? Even if I visited them, deadma pa rin sila.  Haller, more than 5 months na kayang hindi naliligaw yung iba dito no? Buti kung hindi rin sila bumibisita sa ibang blogs. Eh kung ayaw nila sa blog ko eh dapat di sila nakipag exchange link sa akin. So hayaan ko na lang silang ma surprise thay they’re not in my list na. As if ka surprise surprise naman ano! So kapag next year pa nila ako binisita next year pa nila malalaman na wala na sila sa blogroll ko. 😀

Maybe I should just start with a fresh blogroll. I will add those I want to add lang. Kasi meron din namang nasa blogroll ko who have not visited me pero okay lang kasi I was the one who added them. 😀 This is my blog naman and I have the right to remain silent, err to add and remove links.

What do you think? Have you cleaned up your blogroll yet?

44 thoughts on “Blogroll Clean Up

  1. hehehe… nakaka-asar ba?

    tanggalin mo na lang, ang dami din sa akin nag-o-offer ng exchange links, pero gusto nila mauna ako. di ko pinapansin, wala naman silang follow-up e.

    e di ibig sabihin nun, wala talaga silang balak!

    Roy´s last blog post..When it rains, it pours!

  2. Ang drama kasi nang iba jan *uyyyy nice blog, want to link ex?* plastic as in bwahahah makapalink lang pati kaluluwa ibebenta and those people are called link whores, and you are right kapag feel mo i-add at kahit wa ka sa site nila that’s ok…

    Kaya ako allergic ako sa mga taong blog hoppers tapos papa link ano ba… Urgh

    Sagot sa tanong mo should you or should you? You should delete them now na! As in agad agad right now at this moment – nainit na naman dugo ko lol… Kapal ng mga muka nyan mga taong yan lol…

    diwatang_byaning´s last blog post..ISwear

    • OO nga umiinit na dugo mo friend, haha. Inaayos ko yung bagong blogroll ko para naman kapag natapos ko na ang paglilipat ko eh mai-upload ko na.

      Amor´s last blog post..Blogroll Clean Up

    • I’m okay Keith. Don’t worry I won’t be dropping you in my list. Besides you didn’t ask for an exchange link and you visit this blog once in a while and I appreciate that. 🙂

      Amor´s last blog post..Blogroll Clean Up

  3. May away ba? 😀

    Isa ka kasing mabait at mabuting nilalang, you are on the right side, hayaan mo lang silang mga mapag-imbot… dahil wala silang puwang sa iyong kaharian.

    Lipulin ang dapat lipulin, gawaran ng matinding parusa ang mga kawatan, para matikman nila ang hagupit ng naggagalit mong ngitngit. Upang sa paglipat sa bago mong kaharian ang makasama mo lang ay ang mga taong tunay na iyong kaibigan.

    Nilo´s last blog post..I Will Donate $5,000

    • Wala namang away, unless may mang-away sa akin, haha! Ang lalim naman nitong sinabi mo, muntik na akong malunod, hehe.

      Amor´s last blog post..Blogroll Clean Up

  4. nag linis na ako ng blogroll ko sa BLINK page ko haha

    ang ginawa ko amor ay ganito.

    yung mga di ko naman ka klose at mga wala naman ako talaga hangarin na basahin ang blog nila kungdi lang dahil sa awa ay pinagtatangal ko.

    tapos yung mga kaibigan ko talaga na missing in action, maybe on hiatus, naputulan ng internet and so on, nilagay ko sya sa kababan with a caption of “drawing” kasi someday papakita din sila hindi lang ngayon haha

    kaya hindi ako basta basta nagadd ng mga link exchange chenes na yan haha

    may mga gusto ako blog na gusto ko iadd sa blogroll ko kaya lang di ko pa ginagawa kasi di ko pa kaya mag commit na bisitahin sila kaya di ko muna iniadd.

    ganun lang ginawa ko.

    may isa nga kapatid na kasama dati sa blogroll ko na palagi ko binibisita (kasama natin sa wpp) aba tumigil bumisita sa blog ko tapos kahit saan ako pumunta na blog sinusundan ako tapos pinariringan ako. hahaha HU U? hahaha tinanggal ko nga sa blogroll ko at hinding hindi na ako bibisita sa blog nya. haha

    ako pa tatakutin nya eh wala naman sya iba post kungdi puro reklamo sa buhay, puro kasamaan ng boss nya at mga katrabaho nya at kung ano ano nega hahaha

    yan ganyan ang aking way ng clean up hahaha

    tingnan mo ang blink page ko for reference.haha

    bluepanjeet´s last blog post..The CatholicGoogle.com: is Google going religious?

    • Napuntahan ko na nga ang blink page mo, at maganda yung pagkakalagay mo with matching title. Wala naman akong maisip na title para sa *blogrollers* ko haha.

      Amor´s last blog post..Blogroll Clean Up

  5. Hahaaa! Tawa muna ako, may halong joke kasi. Di ko alam kung seryoso ba ito o hindi, heheee uli.

    Seriously, I have this in mind talaga ba na aalisin ko yung mga di na bumibisita, with the exception dun sa mga ni-link ko without permission na di ko na rin nabibisita, hahaa. Pero ganito ang naisip ko, pupuntahan ko yung mga yun, ah hindi pala, bibisitahin lang pala tapos i-message ko na alisin na nila ako sa blogroll nila dahil tinanggal ko na rin sila. At ganun nga rin ginawa ko, binisita ko at kunwari nag-comment pa ako, pero wala, deadma rin. Gagawin ko na nga sana before February, pero napansin ko sa blogroll page ko may PR1. Ayy, ngayon nalilito tuloy ako kung gagawin ko o pabayaan na lang. Anyway ang nasa front page ko ay random naman ng mga bumisita palagi, hehee! Isang category lang ang ni-random ko. 🙂

    Marlene´s last blog post..Back To Work Dilemma

    • Halos pareho nga tayo ng iniisip friend eh, haha.

      Parang gusto ko nga silang sabihan noong una pero, para que pa eh hindi naman sila bumibisita dito? Kasi yung iba pansin naman natin na naghahanap lang ng mga makaka link, in short, nagiging user sila, tapos deadma na kapag nalink na natin sila. Eh ayaw ko naman pumunta pa sa blog nila kapag bumisita na ako o mag comment na and yet di sila nagparamdam dito (not unless I really like her/his blog kahit di nya ako bisitahin, bibisitahin ko pa rin xa, haha) May chatbox naman ako pwede naman silang magparamdam doon o kahit sa mybloglog at blogcatalog makikita ko naman na dumaan sya.

      Ayoko nman magmakaawa at i-push ang sarili ko sa kanila para bisitahin nila ako dahil hindi naman ako pusher in the first place, hehe. Kung user sila, I am not pusher naman. 😀

      In short, it’s clean up time. 🙂

      Amor´s last blog post..Blogroll Clean Up

      • Amor, naintriga talaga ako dito sa post mo at tinulak akong bisitahin ang mga nasa blogroll ko na di na bumisita ba. And guess what, may isang blog na binago ang name at theme pero wala nang blogroll. Wahh! Nasa blogroll siya palagi ko, pero ako wala na pala sa kanya, hmmp! At may isa pang ang haba ng list, pero hanap ko blog ko, was na rin, hmmp! To think na ito pa namang dalawang ito ang nakipag-exchange link sa kin. Delete na rin sila, bakit pa. May ibang blogs din na cannot be found na, hahaa! Mabuti na lang at nag-post ka nito, nakaka-alarma sa mga taong mahilig makipag-xlink. 🙂

        Marlene´s last blog post..To Sleep Like A Baby

    • Haha, oo nga. Nililinis ko na nga blogroll ko offline then upload ko na lang ulit sa bagong server. Korek hindi na nga sila magtatanong dahil hindi naman sila naliligaw dito, kaya good riddance? 😀

      Amor´s last blog post..Blogroll Clean Up

    • Wla po dito ang ex ko Doc Mel, hehe. Naka bookmark yung plagializer ko pero hindi ko pa sya nabibisita lately. 🙂

      Amor´s last blog post..Blogroll Clean Up