It’s my first time to hear Lea Salonga singing I remember the boy. I wasn’t aware she also recorded this song. I like her version more than the original.
Inaamin ko, nakaka relate ako sa kantang ito. Isang tao na bahagi ng nakaraan (enter background song: Somewhere in my past by Julie Vega) ang nagpadala ng mensahe sa akin sa pamamagitan ng FB. Hindi ko ito inaasahan pero sinagot ko ng “weehh di nga?” Kasama nito ang friend request pero ni-deadma ko lang. Deadmatology ito! Hindi naman ako bitter, hindi rin ako galit dahil wala naman akong dahilan para magalit, ayoko lang i-accept. Teka, sa presinto na ba ako magpapaliwanag?
Hindi ko sya naaalala at naalala ko lang dahil sya ay nagpaalala. At tama nga ang isinasaad ng awiting ito, I remember the boy, but I don’t remember the feelings anymore. Samahan mo pa ng birit, kahit wala namang birit yung kanta.
Ikaw, nakaka-relate ka ba sa kantang ito?
Maganda nga ang version na ito ni Lea. I tried to recall the lyrics kanina habang naghuhugas ng plato, naalala ko ang ilang lines lang. Aha, sino siya? Lol!
Yay, pano ba yan, yung mga na involved sa kin dati (dalawa lang naman) ay di ko na nakita kaya di ko masabi kung nakaka-relate ako sa kanta.
Haha, nice question friend, Da hu? ex ko nung highschool hanggang college. 😀
Ay, meron pa palang isa, at nasa FB friend ko sya, ganun din wala lang. 😀