standard post format icon

Tagalog Quiz

Natanggap ko ang pagsusulit na ito tungkol sa wikang Filipino tatlong taon na ang nakararaan. Nakita ko ito ulit at naisipan kong i-post dito.

Maaaring natanggap na rin ito ng karamihan sa inyo. Ako ay natatawa sapagkat ang ilan sa mga mensahe matapos makasagot, tama man o mali ay nakaa-aliw katulad na lang ng “Row four ka siguro“, “Uwi ka na lang” “Tungaw“, at “Siguro First Honor ka ang galing mo!” Halos dumugo din ang utak ko sa pag-iisip sa ilan sa mga sagot. Filipino ako pero hindi ko lubusang alam ang wikang ito. Hindi ko alam ang tagalog sa customs, gerund, sewerage, at iba pa.

Itagalog mo nga

I-tagalog mo nga ito

Kung hindi mo pa ito nasasagutan, maari mo itong i-download dito, sagutan at i-share sa amin kung ano ang iyong naging puntos. Ako ay nakakuha ng 82 walumpo’t dalawa.

26 thoughts on “Tagalog Quiz