Panalangin Ko by Tricia Amper Jimenez

Published in Song Lyrics

Estimated Reading Time: 0 minutes, 55 seconds

Here’s another song lyrics from Tricia Amper Jimenez’ Close to You CD. As mentioned in my previous posts, this is also one of my favorites. I really want to upload the song so you could hear it but sad to say it’s in CDA format, and I don’t have MP3 converter. :( Anyway, I hope you will like the lyrics as I do. :)

October 12, 2008 Update: Finally, you can now listen to this song. :)

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Panalangin Ko

Singer: Tricia Amper Jimenez
Composer: Andrei Dionisio

Kung kailan ako nasasaktan
Kapag higit Kitang kailangan
O Jesus dumaraing sa ‘Yo
Dalangin ko sana’y dinggin Mo

Koro:
Panalangin ko sa Diyos
Buhay ko ay pagpalain
At maging matibay
Kahit na anong bigat
Ng suliranin ko sa bawat araw
San’y naroon Ikaw

Ang lahat ng kalayaan ko
Dalangin kong lahat sa ‘Yo
Kung ito’y walang katuparan
Marahil di Iyong kalooban

(ulitin ang Koro)

Tulay:
Bakit kung kailan ang puso ay nasasaktan
D’on lamang Kita tinatawagan
Ngunit kung ang buhay ay payapa’t kay sigla
Para bang nalilimutan Ka

(ulitin ang Koro)

October 18, 2008 Update:

Watch Panalangin Ko video taken from Youtube.

25 Responses to “Panalangin Ko by Tricia Amper Jimenez”

  1. Marlene says:

    Hi Amor, hehe, sino yan si Tricia Amper, parang di ko yata narinig name nya nung nandiyan ako. Hope you can upload the music para mapakinggan naman. Have a nice weekend.

    Reply

  2. Switzpinay says:

    nice once! .-)
    btw im just doin my round here :-) happy Sunday!

    Reply

  3. amor says:

    Marlene, I understand that you don’t know Tricia Amper-Jimenez, di naman talaga sya kasi kasing sikat nila Regine at Lea. Her songs are mostly gospel/inspirational. I don’t know her too before, nakilala ko lang sya kasi may close to you tape ang cousin ko noon. I learned few months ago that she’s also the voice behind some commercial jingles like “I can feel it” at “I take Milo, Milo everyday”. She also used to host 700 club asia. Asawa sya ni Joel Jimenez of GMA7/PLDT, yung producer ng Rizal at Muru-Ami… Hahah, ang dami ko na palang sinabi. :D

    Reply

  4. Marlene says:

    Ay, ganun ba. Naalala ko yung I can feel it at Milo. Boses nya pala yun. Thanks, Amor for this info.

    Reply

  5. arlene says:

    please post it in lime wire so i can down load in my cellphone all the songs of tricia amper jimenez

    Reply

  6. maldita says:

    sana may mp3 player para naman mapakinggan namin yung knompose mo diba?

    Reply

  7. amor says:

    Arlene, thanks for the visit. Sorry can’t upload the song yet, I don’t have a cd ripper. But I will upload it when I’ve converted it to mp3.

    Maldita, same answer as above. At hindi po ako ang nagcompose, nakalagay sa taas kung sino ang composer.

    Reply

  8. GMG says:

    pareho tayo until fave ko din yung songs niya. actually, nakanta ko halos lahat ng songs niya sa church namin kapag na-request akong mag-special number. tama lang kasi yung boses niya, hindi mataas pero hindi din naman mababa. saka napakaganda ng ng message ng mga songs. All for the Glory of God. God Bless!

    Reply

    Amor replied on October 15th, 2008 at 2:00 PM

    hi GMG, totoo yan, napakaganda ng message ng mga kanta ni Tricia Amper. Sana maging active sya ulit sa pagkanta.

    Reply

  9. pheobe23 says:

    hi amor,

    i sang this song when i was in high school days. I won during our camp having this song as my masterpiece. Thanks for sharing this once again. I lost my tape, it’s sad. Hope to have a minus one for this.

    God bless. Merry Christmas.

    Reply

    Amor replied on December 16th, 2008 at 8:29 PM

    Talaga, congrats! Hindi ko alam kung may minus one pa nito, pero you can visit House of Praise website or call 920-5291 local 139 to inquire.

    Reply

  10. iam_hyper says:

    pag inaawit ko ang kantang ito diko mapigilang lumagaslas ang luha ko….. bakit nga ba kailangan lang natin ang DIYOS pag may problema tayo… sana kahit tayo’y nasa masaganang pamumuhay ay lalong maging malapit tayo sa kanya… fr. ISRAEL PO…. PAGPAPALA PO’Y LAGING SUMAINYO SA LAHAT NG PUMAPASOK SA SITE NA ITO… GAYON DIN SA IYO AMOR TO GOD BE THE GLORY

    Reply

    Amor replied on December 19th, 2008 at 7:15 PM

    Thank you Iam_hyper, nakaka-iyak nga yang kantang yan. Magandang pakinggan lalo na when you’re going through difficulties in life. God bless you more din.

    Reply

  11. iam_hyper says:

    pwede po pala sa celpon yung kanta na idownload ko sa cel ko ang kailangan lang ay may realplayer kayo para po ma down lod nyo ung kanta di po yung video ha yung nasa itaas na kanta. salamat po ulit ngayon sya na ang ringtone ko po. GOD BLESS PO

    Reply

    Amor replied on December 19th, 2008 at 7:31 PM

    Talaga? That’s good to know. Pag bumili na ako ng bagong fone, yan din gusto kong gawing ringtone at ska yung buhay ko’y ikaw lamang.

    Reply

  12. richard says:

    napaka ganda po ng awitin mo na bless po ako sana may mga album kapa na ipapalabas
    napakaganda po salamat po sa pag gamit sa panginoon

    Reply

    Amor replied on May 4th, 2009 at 10:55 PM

    Thanks Richard dahil nagustuhan mo mga kanta ni Tricia. Sana nga gumawa pa sya ng album na katulad nito.

    Reply

  13. jay-ar says:

    Trisha Amper Jimenez, is truly a blessed. She makes me feel inspired everytime I listen sa mga songs niya. Lalo na yung KUNG AKO’Y MANINIWALA, ay grabe iba yung dating saken ng gospel song na yun. Sana nga maging active siya ulit sa pagkanta.

    Reply

    Amor replied on June 18th, 2009 at 3:35 PM

    Oo nga sana maging active sya ulit sa pagkanta. At mag reproduce sya ulit nitong album kasi marami naghahanap.

    Reply

  14. Leonida Garcia Timpog says:

    I am proud to say na ang kantang ito ni Trisha Amper, title Panalangin ko, ang naging unang inspirasyon ko nuong nasa college pa ako sa Manila 1995. Sa dami ng nangyari sa buhay ko, ang awiting ito ang nagpatibay sa akin upang mas malapit pa ako kay Hesus. :) Lahat ng problema mabigat man o magaan ay nakakayanan ko. Ang masasabi ko lang kay Trisha Amper Jimenez, wala sa kasikatan nasusukat ang katangian ng isang tao. Hindi ka man gaanong kilala ng ibang tao, kilalang kilala ka sa puso ni Hesus dahil sa pagpapahayag mo ng kanyang mga Salita. God bless you Amor thank you for your website nahanap ko ulit ang kantang ito. :)

    Reply

    Amor replied on February 14th, 2010 at 7:26 PM

    Thank you. Glad to know you also like this song. :)

    Reply

    christine replied on March 24th, 2010 at 2:23 PM

    galing nya pong kumanta..

    Reply

  15. christine says:

    saan po mahahanap ung iba pang mga song ni Tricia. galing po kasi nya kumanta. Last Sunday ko lang po siya nakilala. naging interested po ako sa kanya kasi magaling siyang kumanta ang magaling din po siyang actress/ stage actress..

    Reply

  16. tintin says:

    hi..
    good day pwede po ba na padalhan mo po ako ng chords ng panalangin.? kc po gusto ko sya kantahin sa church namin as a special number? thank you and God bless

    Reply

  17. Carmela Provido says:

    Hi amor,

    thanks for your website…matagal ko na rin kasing sinisearch itong mga kanta ni tricia amper esp. Panalangin Ko sa Diyos…and all her songs lahat maganda very inspiring…Dito ko lang ulet narinig itong kanta niya after 12 years…I used to play this song "Panalangin ko sa Diyos" on my morning radio program sa Aurora province. Itong kanatang ito lang ang nakapagpapaiyak sa akin. So amor thanks!

    Reply

Leave a Reply

NOTE: For non-post related comments, you may visit my Guestbook. Thank you for cooperating! :-)

CommentLuv Enabled

Back to top