standard post format icon

Deadma!

Deadma! Yan lang naman ang reaction sa akin ng isang matabang babae, – as in mataba pa sa akin – nang mag excuse ako sa kanya para makadaan ako palabas ng bus kanina.

I was carrying Sean because he was already sleeping when we were about to get off the bus. We were seated at the last seat, lahat ng naka standing-room-only sa gitna ng bus na pag excuse-san namin, at nag giveway sila para makadaan kami.

Yung bruhang babaeng super obese lang naman na halos sinakop na buong isle ng bus – as in ang kapal talaga nya, naasar ako – ni hindi man lang umusod o tumabi. Kung sabagay, pano pa sya uusod eh wala ng mapupuwestuhan sa taba nya. Pero kung may common sense sya, pwede naman syang umurong dun sa unahan sa malapit sa pintuan – kasi wala namang pasahero dun dahil bumaba na – para lang makadaan kami, tapos bumalik na sya ulit doon sa pwesto nya.

Nag ‘excuse me’ ulit ako, aba deadma pa rin ang bruha! Lahat ng nadaanan namin umusod na, sya wala pa ring ginagawa… deadma? estatwa? Bingi o Tanga?

Nag thank you ako dun sa iba, sabay sabing, “hindi pa rin kami kakasya sa daan kasi mataba rin ako”. As if di naman obvious at kailangan ko pang i-emphasize no? 😀

Imagine mo, may 200+ lbs – or was it 250 lbs? 😀 – na nakatayo sa gitna ng bus, tapos may dadaan pang 150 lbs na may karga pang bata, pano kami kakasya dun!

Ang taba-taba mo, hindi ka man lang umusod dyan para makadaan kami! Aba luka-luka pala sya eh! Deadma talaga hanggang sa huli. Hanggang tingin lang sya, parang lalo akong inasar! Pasalamat sya may karga akong bata, kung wala, baka pag daan ko sa kanya nasiko ko sya!… Kainis eh! Ayaw mo kaming padaanin ha! Kaya ayun, siniksik ko na lang katawan ko sa pang seksing daanan – buti inalalayan ako nung isang pasahero – sana pala nasiko ko man lang si 4XL, makaganti man lang sa aberya! Haha! Battle of the bilbils ba ito!? 😀 Laban na!

Ako, alam ko mataba ako pero sa mga ganong sitwasyon alam ko kung anong gagawin ko ‘no! Kalokah sya!

3 thoughts on “Deadma!