Well, maraming bagay na ayoko na sanang gawin.
- Ayoko na sanang mag-post muna sa amorfrancis.com dahil naiinis na ako, laging bitin ang pag transfer ko.
- Ayoko na sanang pag-usapan pa ang mga aberya sa aking paglipat bahay dahil puro reklamo na lang halos ang naipo-post ko about my current host. Ilang beses na akong nag update ng database dahil akala ko makakalipat na ako this week, kaso hindi.
- Ayoko na sanang pag-usapan pa ang Philhosting pero heto ako binabanggit ko na naman sila, haha, ah basta ayoko na, maghihintay na lang akong mapalitan nila ang nameservers ng aking domain, ang tanong kailan kaya. Ang pagkaka intindi ko sa babaeng nakausap ko eh para pala silang robot na naghihintay ng sasabihin ng kanilang amo bago sila kumilos. De remote kung baga. Takutin ko na lang kaya, I’ll see you in court?
- Ayoko na sanang kumain ng marami pero bakit malakas pa rin akong kumain, harhar!
- Ayoko na sanang magpuyat, pero nagpupuyat pa rin ako, buti sana kung papayat ako, kaso hindi.
- Ayoko na sanang sabihin na malapit na ang birthday ko at officially mawawala na ako sa kalendaryo, pero sinabi ko na rin para greet nyo ako hehehe.
Kayo ano yung mga ayaw nyo na sanang gawin pero ginagawa nyo pa rin?
PS. Salamat sa mga bumisita kahit madalas down ang website na ito. Makalalagpas din ako dito at sana naman malapit na.
Kidnapping in Batangas?
Sean’s Prayers and Endless Questions
I Feel so Lucky
sasagutin ko yang awit ni Ariel ng kanta ni Pops…”kaya pala kaya pala”…… hirap akong makapasok sa site mo, minsan ayaw mag load. Bayaan mo at maayos din yan. Wag kang aayaw!
Advance happy birthday, kelan ba?
Reply
Oo nga po Kap, “kaya pala”, haha.
Thank you. Last week po ng January.
Reply
Hi Amor. Bago ang lahat gusto na kitang i greet ng Advance Happy Birthday! Don’t worry maaayos mo din lahat yan! Ayoko na sanang mag comment kaso di ko matiis bwahahaha gumaya lang ako!
Ambo´s last blog post..Bloggers Project for Flash Flood Victims in Cagayan De Oro City
Reply
Salamat Ambo. Oo nga sana naman para makapag move on na ako.
Reply
Ate Amor, adbans hapi birthday!
Ako, ayaw ko na ng mabagal na pagkilos, which is the main cause of my tardiness, pero ganon pa rin e. hehe. Tulad mo, ayoko na rin minsan magpuyat pero ginagabi ang laban ng Lakers eh.
Good luck sa pagtransfer mo.
Pandacan1011´s last blog post..Ruta: Pandacan Buling-Buling 2009
Reply
Thanks Kuya Kiko, punta ka ba sa Buling-Buling? hehe, parang ang lapit mo ano.
Reply
Oo nga, binuksan ko itong site mo kahapon pero di mabuksan. Can’t connect to the server daw. Akala ko nga normal na process lang yun sa paglipat mo ng host.
Ayoko na sana ring magpuyat, kaso ang hirap gawin. Di pa rin ako nakakatulog nang maaga.
Hah! Birthday mo na uli? Parang kelan lang yung last ah. Ang bilis naman ng panahon.
Marlene´s last blog post..About To Be Disposed Of
Reply
Sana nga lang nagdadown sya dahil sa paglilipat bahay ko kaso, nagda-down sya dahil nature na yun ng host ko haha. parang pag di nag down sa isang araw, mortal sin sa kanila.
Oo nga, ang bilis kasi ng panahon.
Reply
bdtrip tlaga hosting natin dpat ng iboycot
happy bday pla amor!
Reply
Thanks Glenn, oo i-boycott na talaga dapat. Sabi ko nga parang walang araw na hindi sila nagda-down ngayon.
Reply
Advance Happy Birthday. Wala ako problema sa web host ko.. so far? ( Alam mo na?! hahaha )
About sa ayaw nang gawin na nagagawa, ayoko na talaga magcomputer pero nagcocomputer pa rin haha
God Bless!
Camper´s last blog post..Futuristic WP-Theme
Reply
Pareho yata tayo ng hosting kapag nakalipat na ako eh, hehe. So far wala pa nga silang problem, sana naman hindi magkaroon.
Thanks sa greetings.
Reply
so far tuwing nasa site mo ako ate, never ko na encounter na magdown ang server. perO sana naman, kumilos sila.. binabayaran sila eh.. ayun, sana makalipat ka na ate,, sayang ang pera, kung ang host mo ay walang kwenta..
at sige, hintay lang me doon..di naman yun nagmamadali..
Reply
swerte ka pala kung ganun jen dahil hindi mo natityempuhan na down ito. Kaninang umaga lang 4 hours itong down ayon sa monitoring email na natanggap ko.
Sayang talaga ang pera dahil bayad ako until June 2009 para sa hosting, pero pinapa terminate ko na, kasi yun ang sabi ng nakausap ko sa office nila, kailangan daw mag email ako for account termination bago nila ilipat ang nameserver. Ang daming arte ang babagal naman kumilos.
Reply
kelan pala ang bday, para makadaan ako..
Reply
Invited ba ako sa birthday mo? Wag ka ng mag “ayoko sana” dyan magkalapit lang naman tyo, see you in court!
Nilo´s last blog post..I Will Donate $5,000
Reply
Haha, no comment. Wala naman akong party eh hehe.
Reply
Amor,
Naku fren, sabi ko naman sa yo. Most likely basta mura mapapamura ka talaga. lol!
jessie´s last blog post..Free iPhone 3G Unlock Using Yellowsnow 0.9.6
Reply
Haha, korek ka jan. Pero hindi lang naman kasi mura ang dahilan bakit ako nag sign up sa kanila 6 years ago. Paano kasi sila lang pwede kong mabayaran locally dahil wala naman akong paypal noon para bumili ng hosting sa ibang bansa hehe.
Reply
aba! malapit na pala ang birthday….
advance happy birthday!
Roy´s last blog post..Magpupuyat ka ba para kay Obama?
Reply
Thanks Kuya Roy, next week pa naman, or 10 days from now, hehe.
Reply