standard post format icon

A Letter From Jesus

Mahal ko,

Puwede ka bang istorbohin? Puwede bang makaamot ng isang sandali man lang sa panahong ginugugol mo sa mundo? Sorry ha? Alam ko kasing busy ka eh.

There’s so much to do and to be preoccupied within the world. Alam ko yan. But I’ve been longing to let you know something. Alam mo, you’re so precious to me. Walang halong bola ‘to. Mahal kita.

Kaya nga pinilit kong mabuhay sa lupa ng tulad mo. Para habulin ka. Kaya nga lang minsan, napakabilis ng lakad mo. Hindi kita masabayan. Hindi kita mahabol.

Pag katabi kita, KSPng-KSP ako…. Kulang sa pansin. Gustong-gusto kitang masarili. Hindi kita mahabol kasi. . . masakit at makirot pa ang mga paa ko. May mga butas pa kasi. May mga sugat.

Ibig kitang haplusin pero nahihiya ako. Duguan ang mga palad ko.Pero kung hindi ka maselan tanggapin mo sana ang mga palad ko. Ibig kitang mahawakan.

Ibig kong maglakad sa tabi mo. I don’t want to walk behind you. Hindi ko kaya ang pacing mo. I don’t want to walk in front of you, tinatakbuhan mo ako. I want to walk with you. I want you to be my friend.

Ikaw ang dahilan kung bakit may mga sugat ako. Ikaw ang dahilan kung bakit naghirap at namatay ako. But please don’t get me wrong. Hindi kita sinusumbatan. After all you deserve this love. And I deserve this fate. Basta para sa iyo, okey lang. Mahal kita kaibigan. I’m always most willing to be of help.

You want a shoulder to cry on? Narito humimlay ka sa balikat ko. Nakahanda akong makinig sa litanya ng mga problema mo. Hindi ako mabo-bore. Makikinig ako. I’ll be most willing to listen to you. I’m your friend and I’ll forever be. You’ve been away from me. You hardly remember me. How I longed to listen to you. But you seldom spend time with me.

I feel so lonely when I have to wait in vain for your words. Buti pa pag may problema ka, naaalala mo ako. Pero pag wala nawala na rin ako sa iyo. Pero okey lang….at least, nakaka-alala ka pa!

Would it be so selfish of me if I would ask you to remain in me? I can offer you a lasting relationship. Isang pakikipag-kaibigang hindi saklaw ng panahon at pagkakataon. I’ll be a loyal committed partner. Tapat sa iyo habang buhay.

Tatalikdan ka rin ng taong napipisil mong mahalin. Ako na iyong kaibigan ay laging handa na tumanggap sa iyo. Have you forgotten that I have died for you? If I need a thousand more deaths, I’ll be most willing to offer my life if only to make you feel that I LOVE YOU.

Isa lang naman ang hinihiling ko sa iyo. Konting pagtingin lang. Yan, I sounded like KSP na naman… Pero anong magagawa ko? Talagang MAHAL KITA!

Can we be partners for life? And I assure you, you’ll never be lonely, you’ll never be alone. I’ll never get tired of saying I LOVE YOU. And I mean it. Hindi pa ba sapat na pruweba ang mga nagawa ko para sa iyo? Will you spend some time now thinking of me? I have died for you, will you live for me?

Jesus Christ

P.S.

Alam mo ba sa araw-araw mong trabaho karamay mo ako at katulong sa mga gawain mo. Pero di mo pa rin ako pansin (KSP talaga ako). Pero okay lang palagi kitang tutulungan. Sa gabi naman sa pagtulog mo, gusto kong maki-pagkuwentuhan sa’yo, pero pagod ka na at wala ka ng time. Pero di bale, babantayan kita sa pagtulog mo. Sa umaga naman sa paggising mo. Di mo rin ako pansin kasi nagmamadali ka. Pero okay lang kasi sasamahan naman kita sa buong araw, maghihintay na mapansin mo.

Binigyan kita ng aklat tungkol sa buhay ko simula pagkabata mo hanggang sa pagtanda mo. Para lubusan mo akong makilala at malaman ang mga salita ko. Pero inisnab mo kasi mas gusto mong mag internet, magtext at magbasa ng magazines at pocket books.

Kailan mo kaya ako papansinin? Kailan mo kaya ihahandog ang sarili mo sa akin para masolo naman kita? Sana sa pagbabalik ko d’yan sa lupa makapiling kita sa tahanan ng aking AMA.

Same

3 thoughts on “A Letter From Jesus

  1. ang sarap namang basahin ng letter na ito. totoong totoo at talagang nangyayari sa buhay ko……
    how i wish na sana lagi na lang akong nakadikit sa KANYA!!!!!